Ever wonder what those 3 lines for?
Sa totoo lang, matagal na ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa kanya. sino ba siya? Well, hindi ko pwedeng isiwalat ang pangalan niya dito, pero itago na lang natin siya sa katawagang “Boulder”.
Boulder kasi unang-una sa lahat, hindi ko alam kung hindi niya napapansin na special pagtrato ko sa kanya. bato nga ba, yun. Boulder din kasi malaki siya. Let’s leave it to that.
Kasi sa pakiwari ko, babaero ang loko at may gusto nang babae. may magagawa ba ako sa bagay na yun. oo, madalas niya akong asarin. hindi naman bully yun kasi wala namang sakitang nagaganap. palitan lang ng laitan sa isa’t isa. ganon. Madali lang akong ma-attract sa mga ganung tao. Mayaman ba? sabihin na nating oo. limpak-limpak.
pero yung ikinagulat ko talaga ay pagbigay niya sa akin ng papel na naka-form ng pusa. binigay pa talaga sa akin. itago ko daw ana, hindi halata pero masaya ako. sagad to the bones naman mang-asar yung kaibigan kong may sikretong nalalaman. haha. tawa lang.
Tapos nung physics, kahit parang pang-asar lang, sabi niya gawin ko daw keychain. kaloka.
Simpleng bagay lang ang kaganapang ito. Hindi madalas mangyare pero hanggang dito na lang muna. Kung gusto ni God ang taong to para sa akin, why not. pero kung hindi… di hindi. haha. charot.