Ever wonder what those 3 lines for?
I just did it!! yay! I thought I really loast the chance to pass the exam them here the results come!!! yes, I really did it but the average isn’t that high but still I love waht happened.
God is really loving me and is willing to help me. I hope the same goes with InteCal.
I Love You Lord!!
Hayyy, salamat.. natapos din ang mga grabe lungs na major at feeling major na mga subjects na pinagtest namin as midterms mula kahapon at ngayon. I LOVE YOU TALAGA, LORD!!
Ayun, medyo feeling ko nakuha ko naman yung mga test namin kahit hindi ako ganoon na nag-aral talaga para sa ngayon. take note: nakatulog pa ko. hindi kasi ako ng tipo ng tao na nagpapakalulong sa pag-aaral, hha.. tawa lang. Don’t take life so seriously… hha, grabe ako mag-advice pero pag ako.. -_- ganun din ang ginagawa ko..
Anyway, huwag tayong palamon sa stress.. yun, kita mo… nakita ko tuloy crush ko.. kahiya-hiya nga lang ako.. hha, kasi parang sinasabi ko yung vital statistics ni Barbie na doll kanina pagdaan niya… ok.. hahaha.. masaya lang yun.
sabi nan seatmate ko pag physics, 99.9% na hindi nakaka-focus.. pero ako ang .1% na hindi na-botherng ganung bagay.. so thankful ako kay God..!!! ILOVE YOU, TALAGA!!!!! ever!!!
ayun, tpos kumeber pa yung cp ko.. ndi makatanggap ng txt at tawag.. so ngayonnnnn… flooooders siya nan txt.. pero ayun.. keribels na.. umokey na siya. heto na naman ako, nag-g-gaylinggo..
JS ngayon ng sis ko.. wala lang.
Thank you po, Father God!
Feeling ko tuloy ako si Rizal dahil sa title. Anyway, ibang topic naman ito. Para ito sa mga kabataang maagang nagmahal, nagmamahal at magmamahal. Para sa mga kalalakihan at kakabaihan. Para sa iyo, sa kanila, sa atin.
Madalas nating nasasabing nagmamahal na tayo, at take note sasabihin mo pa nga may gusto ka na sa taong yun. May mga nagsasabing forever na daw sila, at meron ding hanggang sa pagtanda na.
Pero aminin natin, hindi naman sigurado yun diba? Bata pa kasi tayo, hindi pa natin alam kung ano ang panghabambuhay at panandalian, pwera na lang kung may nakalagay na expiry date. Agad tayong nagmamahal sa hindi malamang dahilan or minsan invalid reasons pa. Kagaya ng: kasi parati ko siyang ka-txt, kasi gwapo siya, sayang naman kasi. Mga ganoong dahilan ba. Pa’no pag hindi ka na niya ka-text at nakahanap na kasi siya ng ibang ka-txt na mas gusto niyang kausap kesa sa iyo, pano ka na? Pa’no pag di na siya gwapo at mukha na siyang pandesal, hindi mo na siya gusto?
Sabi nga ng sir namin sa speech, kung sa palagay mo hindi na nagw-work ang relationship niyo - putulin mo na. take the risk, go out of your comfort zone. Kahit na lilitaw na sayang, mas lalong masasayang ang oras mo at efforts mo. Sabihin na nating naka- 2 years na rin sila.
Ito pa, napakabata pa natin. Okay lang ang relationship basta alam nating ang limit. Magmahal tayo, mahalin natin ang mga taong nasa paligid natin. Kung isa kang lalaki, mahalin mo yung partner mo ng buong puso. At kung babae ka, ganoon din. Pero, mag-set kayo ng parameters. Alam ko naman, bata pa nga, hayok sa laman at mga mapupusok. Hindi na alam minsan ang gagawin basta ikakasaya lang nila. Kung gusto mong gawin ang bagay na ‘yon [ok, alam mo na ang ibig kong sabihin dito.. wag kang magmaang-maangan], siguraduhin mong mahal mo ang taong yon at handa kang harapin lahat ng responsibilidad at hindi yung iiwan mo lang siya sa ere. At kung hindi mo pa kaya ang bigat ng responsibilidad, wag mong gawin. Sisirain mo, hindi lamang ang kinabukasan mo, kundi ng mahal mo.
Bago mo gawin ang mga bagay-bagay. Mag-isip ka muna, Magdasal ka na sana ang lahat ng ga desisyong gagawin mo ay makabubuti sa iyo at sa mga taong mahal mo. Hindi lang kasi ikaw ang apektado kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa iyo. Lahat ng nakikita sa iyo ay maaring gamitin laban sa iyo. At kung magkamali ka man, buong tapang mong harapin ang mga consequences na darating.
Iyon lang. parang napahaba. anyway, idaan mo na lang ang mata mo rito. salamat
tuwang-tuwa lang talaga ako kanina nang aking makita ang aking mga grades. ang saya kaya, 2.50 na yung pinakamababa ko at physics pa yun. yes, akala ko ibabagsak ako ni Ma’am. thank God talaga.
Alam ko naman na God loves me, all I need to do is ask.
2nd sem, be fruitful! XD